Thursday, September 2, 2010

ang pagmamahal ni paeng sa basketbol...at sa pilipinas

hinde ko maalala kung saang blog (translation: blag?!) ko nakita ang bidyo (video?! ewan! hahaha) ng paanyaya ni rafael bartolome na pumunta sa kanyang 'book launch' sa isang cafe sa new york...pero natutuwa ako at nangyari yun...

siguro nga nakakalungkot isipin na ang isang banyaga na tulad niya ay mas matatas pang magsalita sa ating wikang pambansa...ngunit isang malaking karangalan ang mabigyang pansin ng isang banyaga ang madalas ay ating nakakalimutang pahalagahan - ang ating mga sarili.  Ang ating sariling kultura, sariling wika at maraming natatanging bagay na likas sa atin at masasabing tatak Pinoy!  Kaya salamat Rafe sa pagpapaalala sa amin nito sa pamamagitan ng iyong aklat na

Pacific Rims
Beermen Ballin' in Flip-Flops
and the Philippines' Unlikely Love Affair
with Basketball

Salamat sa iyong pagbabalik sa Pilipinas at sa pamamahagi sa mundo tungkol sa mga Pilipino!



Mabuhay ka, Rafe Bartholomew!