the irony is, i have so much love to give but nobody seems to want it...oh well, maybe it's not the right time yet...maybe she's still searching for me...maybe i still am not ready for her...or maybe she's not ready for someone like me yet...
maybe...
anyway, here's a poem i wrote back in college days...to celebrate heart's day and to celebrate LOVE...
Paano kapag ako’y nagmahal?
PUP (2002)
paano kapag ako na ang nagmahal?
may puso bang handang buksan para
tanggapin ang alay kong wagas na pag-ibig?
paano kapag ako na ang umibig?
may isipan bang handang umunawa
sa tunay na nadarama ng puso kong ito?
paano kapag ako na ang umiyak?
may mahahabag kaya sa pagguho
ng mga pangarap kong wala nang pag-asang matupad?
paano kapag wala na ang tuwa?
may ngiti pa bang babakat sa labi ko’t mga mata?
paano kapag ako na ang nagmahal?
may handa bang maniwala sa mga katagang ito na aking sinasambit?
paano kapag ako na ang nagmahal?
No comments:
Post a Comment